Agiw sa Library
- Graziella Sigaya
- May 13, 2021
- 2 min read
Updated: Aug 20, 2021
Ginpasulat kami ka dya sa amon Filipino: Pagsulat at Pagbasa kang first year college. Amo dya ang opisyo kang mga nagapa lonely-lonely (para ibigin) kauna, pamantay ka nagakaratabo sa palibot, bisan lawa ka damang nahigad-an.

16 January 1996
PLEASE OBSERVE SILENCE ang tahimik na sigaw ng mga dambuhalang titik sa dingding kung saan ito’y kitang-kita ng mundo. Ngunit ang panawagan ay tila nahulog sa binging tenga at matang nagbubulag-bulagan. Patuloy ang kwentuhan. Ang daloy ng tsismis ay tila ilog na di mapigilan. Ngunit, meron namang iilan na subsob ang katauhan sa gawain. Para bang patay sa kamunduhan. Pero kahit ano pa man ang pinagkakaabalahan ng bawat isa, mapagawain man, pag-aaral, o bagong tsika, lahat ay pawang manhid sa mga bagay-bagay sa paligid. Di man lang nila namataan ang agiw na payapang nakalambitin sa sulok at ilalim ng mesa.
Agiw. Ito’y mga bakas na iniwan ng dalubhasang mananahi -- ang gagamba. Na ang tanging saplot nito ay ang alikabok ng kamunduhan.
Agiw. Sa mata ng tao, ito’y dumi. Basura na dapat linisin. Dungis sa maayos na mukha ng kasangkapan. Ang bawat agiw ay palatandaan na ang isang bagay ay napabayaan. O makikita sa agiw ang katamaran ng tao. Wala nga bang silbi ang hamak na agiw?
Agiw. Kulay-abong baging ng karumihan ang naging tulay na daanan ng maraming mumunting mga nilalang. Naging kulungan ng ila, at sa iba’y naging tahanan. Pino, marupok, kay daling sirain ng walang gaanong lakas.
Sa saliw ng mahinang ihip ng hangin, ang agiw ay tila isang kamay ng mahinhing dilag. Kamay na malumanay na namamaalam sa sintang iiwan. Parang isang duyan na mariing nagpapatulog sa sanggol sa kanyang mahinang ugoy. O isang bandila ng kagitinganng kumakaway, nagpapasalamat sa mga nakipaglaban upang kalayaan ay muling makamtan.
Ang agiw ay likas na mahalaga, may likas na kagandahan. Kagandahang di madaling makita, dahil ang agiw nga ay dumi. At masisilayan lamang natin ang ganda nito, kung bibigyan natin ang agiw ng panahong pansinin.
Comments