top of page

a poem written on a valentine's day in 1997

Updated: Aug 21, 2021

Duha lang gid nasulat ko nga poem in Filipino. hmn... siguro maumpisa man ako kuris-kuris in Filipino once in a while.. Dan kun indi ako ma distract ka iban nga kutikutihon eh. In whatever language man ang akon medium, amo man lang angud dya ang akon themes. Haay 90s...

ree

Paglisan

14 February 1997

Ilang ulit mo bang tatahakin

Ang haba ng dalampasigan

Upang iyong mga bakas

Ay huwag lumisan sa buhangin

Na ating laruan noon . . .

Hanggang sa alon ay mapagod?

Ilang ulit ko bang isusulat

Ang pangalan mo sa buhangin

Upang iyong alaala

Ay huwag lumisan sa dalampasigan

Na ating tagpuan noon . . .

Hanggang sa alon ay mapagod?

Ilang ulit ba nating huhubugin

Ang kastilyong buhangin

Upang ang ating mga panaginip

Ay huwag lumisan sa dalampasigan

Ng kasinungalingan natin

Hanggang sa alon ay mapagod.



Comments


© 2023 by Adudulis. Proudly created with Wix.com

bottom of page