top of page

A Muwa's Monologue

Updated: Aug 21, 2021

Halin dya sa sinulatan ni Bae Jinggay, nga ginpangayo ko hay migahay kami 🤣

This is a reimagined soliloquy ni Amburukay, ika ka muwa (hairy supernatural being of the folklore of Panay) kang ana matukiban nga ginkawat ni Labaw Donggon ang ana bulawan nga sabot para ibulos sa nabugto nga guitar string...

ree
Amburukay Illustration by Patmai De Vera


Uhummmm… uhummm…hummm… hummm…

Isa, dalawa, tatlo …. Oras na para matulog mga mahal kong bulawang sabot…


Ako si Amburukay. Isa akong muwa. Oo tama. M.U.W.A. Alam ko, takot ka sa akin… takot ang lahat sa akin. Sino nga naman ang matutuwa at magagandahan sa isang muwa. Hmp! At sino ang hindi matatakot sa isang ga-higateng nilalang? Babaeng may mahaba, buhaghag at kulot na buhok… Mabilog at halos lumuluwal na mga mata… Malalaki at matutulis na mga ngiping puno ng tina ng nganga---hah! At may mabahong hininga hahahahaha


Sanay na akong kinakatakutan. Gustong-gusto ko ring ako ay kinakatakutan. Dahil kapag takot ang tao sa akin… hindi sila tatabi… hindi makikipag-usap… walang istorbo.

Sabi nila ako ay salbahe… isang halimaw --- walang puso. Huh! Ako walang puso. Sigurado kayo diyan? Naging mabuti akong ina para sa aking mga anak. Mahal na mahal ko ang aking mga binukot na sina Matan-ayon at Saranggaon.


Alam ko ang tingin na iyan?!

Ako ba ang iyong tinutudya?

Tama! Hindi galing sa aking sinapupunan ang aking mga binukot…

Anak sila ng Datu Paiburong. Hah!

Tama lang na pambayad sila sa kalapastanganan ng kanilang magnanakaw na ama

hahahahaha


Oo! Galit ako sa magnanakaw! At higit akong galit ngayon sa kung sino mang lapastangan ang nagnanakaw ng aking pinakamahabang bulawang sabot!!!! Ahhhhhh

Dudurugin ko siya sa aking mga palad!

Gagawin kong kalunos-lunos ang kanyang kapalaran hahahaha

Sino… sino ang lapastangan na kumuha ng aking bulawang sabot!

Higit pa sa lunday ng saksak sa aking buong katawan ang dulot nito…

Sobra pa sa pagsakal sa aking kalayaan….

Ang bulawang sabot ko ang aking buhay ---- ang aking dangal.

Sino ang yumurak sa aking karangalan?

Ipinapangako ko --- pakakasalan ako ng kung sinumang magnanakaw ng aking bulawang sabot!!!


Shhhh ang totoo gusto ko lamang makuha ang aking bulawang sabot…

Ayokong magpakasal.

Ayokong magkaroon ng kasiping araw at gabi…

Ang nais ko lang ay mabalik ang aking bulawang sabot.


Ahhhhhh hahanapin ko ang bohong na magnanakaw…

Susundan ko ang ilog…

Isa-isa kong pupuntahan ang mga baryo, at sa aking pagtigil ay siyang pagtapik ng aking poklo… Ngunit, pagod na pagod na ako…hindi pa rin tumutunog ang aking pagkababae…

Ang bawat tapik at hagod ay nagdudulot ng malalim na hugot ng sakit at lumbay…

Unti-unti na akong namamatay…

Hah! Gusto kong mabuhay muli… ahhhh ang aking bulawang sabot…

Ahhhhh tumunog… tumunog… ikaw ang lapastangan! Ikaw Labaw Donggon… Ikaw ang lapastangan!

Hahahahahaha kitang kita ko sa mga mata niya ang hilakbot --- hindi ko alam kung ito ay dahil sa aking alindog o sa ideyang ako ay kanyang pakakasalan hahahahaha


Kung alam lamang niya… kung alam lamang niya…

Ahhhhh handa sa pakikipagtaling puso ang aking mga anak… Matan-ayon at Saranggaon, maging mabuti kayong asawa…


Uhummmm hummm hummmm isa, dalawa… tatlo…, aking mga bulawang sabot…..


-monologue written by Mary Rose Banas


4 Comments


gwetz_0905
Jan 30, 2021

Na hidlaw mn ako sa Muwa stories ni lola. Nalipat ako ka events hay ka duro kag ga lain2, pay dumduman ko gd ang "balay ka muwa".

Like

Jing Banas
Jing Banas
Oct 29, 2020

pangitaon ta sa baul... :-)


Like

Graziella Sigaya
Graziella Sigaya
Oct 29, 2020

pwede man gani ang mga nasulat mo na sang una heheh

Like

Jing Banas
Jing Banas
Oct 29, 2020

hahahahaha pressured ako magsulat mag amu ni nga estorya.LOL

Like

© 2023 by Adudulis. Proudly created with Wix.com

bottom of page